“Naiilang”
Nariyan ka na pala
susulyapan ang buong mukha
susundan ng mga mata
nais lumapit ngunit di kaya
Mayroon sanang sasabihin
ngunit loob ko'y humihinhin
utak ko'y kailangan pilitin
sana kaya ko nang aminin
nauunahan ako ng hiya
kinakain ko na bawat salita
ngayo'y sa sarili naawa
di maibigay sayo itong tula