Second semester starts!
November 3,2014 - Araw kung saan ang buhay kolehiyo namin bilang freshie ay nagpapatuloy at sa bagong set of prof at subjects, requirements at quizzes, midterms and finals, roletta at tingala, at marami pang iba.
Epic nang paggising ko. Actually, noong November 2, dahil nga bampira ako at di makatulog, nanood ako ng movie, X-MEN: DAYS OF THE FUTURE PAST. Sheeet. Ang ganda! Kung baga parang pinapakita dun kung ano epekto ng pagkakamali noong past sa magiging future ng mga mutant. Pero atleast! BUO NA ULI ANG X-MEN! (harthart, sorry na Marvel Fan eh)
Anyway, going back. Di nga ako makatulog. 3:24 am na, tapos ang gising ko dapat 5:00 am, so ayun dakila ako. Yung adrenaline ko gising paren. So lumabas ako ng kwarto, matutulog sana ako sa dating garden na ngayon tindahan na, langya. Nakitulog kasi ako kina mama, magulo kwarto ko e hahaha, tapos ang sikip. Eh may upuan naman sa dating garden at covered na dun so ayun.
Nakikinig ako ng music, nang makakatulog na ako, ABA MATINDE. May nagtatakbuhan sa ganoong oras yung tipong maririnig mo talaga ang karipas ng mga paa. Akala ko mga magnanakaw, baka akyatin kami, so pumasok na ako, nakinig ng music, tinaasan ang volume kunwari walang naririnig.
Ginising ako ni mama. Syempre pinapagalitan ako,puyat ako e. Daily routine, naligo at nagbihis. Di ako kumakain ng almusal. Laging sa school. Hinatid na ako ni papa.
SECOND SEMESTER.
Ang galing. Di pa ako enroll. Dumaan na ang sembreak at lahat ng pangangalkal ko ng kung anu-anong quotes dito sa tumblr at di pa rin ako enrolled. Sabi ko mag-eenroll ako ngayon. kaso TAPOS NA ENROLLMENT!
Pagpasok ko sa Sintang paaralan, naabutan ko yung mga College of Education naglelead ng national anthem. Galing nila! 97% ang passing ng board exam nila. 2nd ang PUP sa dami ng teachers na nakapasa. #EdukasyongDosePesosBitch HAHAHA!
Nagmumuni-muni ako, kasi puro pa muta mata ko at gusto ko pang humele sa kama. Malapit na, makakatulog na ako habang kumakanta ng Lupang hinirang. Tapos ayun, si Jean nakita ko. Kinakamusta ako. Ang pangit ng buhokni Caleb, yung boyfriend niya haha.
Syempre tinatanong ni Jean ano yung pinanghuhugutan ko. Eh ano ba. Tinatanong niya, kumusta si Charles tapos si ano. Wew. Wala, wala na talaga. For the both of them. Bigla akong nagising sa katotohanan na wala. Pinag-uusapan namin yung booth para sa program sa HS school namin. Yung mga regalo namin sa mga batang fairvian.
BS BIOLOGY 1-1
Umakyat na kami. Syempre, sa N601 parin room namin. ANG INGAY NAMIN HAHA! Syempre miss na ang isa’t isa. Si Franz parin katabi ko, yung mga magbabarkada, magkakatabi parin.
Masaya sa room actually. Nasurvive namin yung unang semester. Though syempre may mag-uulit. Well, atleast hindi magststop. Gagraduate parin, di nga lang sabay sabay.
So ayun, kumustahan, antayan ng prof. Well first day.
Nakilala namin yung prof namin sa biology lecture. Waiiiit. TATLO NGA PALA ANG MAGIGING PROF NAMIN SA BIO. They are promoting team building raw, soo kada topic may iba-ibang prof. Hay. Hay. Hay.
Muka namang okay si Ma'am Maria Eleonor or Mae for short. MAria Eleonor. See? Kahit kai rin di namin nagts bakit ma'am Mae ang itatawag sakanya. Botany prof namin sya. MATINDE. Buntis nga siya e. Soo ayun, maganda siya. HAHA. Oy seryoso.
Si prof namin sa Filipino, it’s getting exciting nga e. kase ang daldal niya. Kinuwento niya na kung paano siya naging produkto ng tsamba. as what he said,
“Minsan, yung mga di natin pinaplano yun pa yung ikakabuti natin”
Hindi kasi siya dapat teacher pero ayun, dahil dinala siya ng kapalaran sa PUP, pianlad siya makapasa dun, di lang niya alam na course na kukunin niya, dahil walang pila sa Philippinenology so ayun kinuha niya. And look at him now, magpPHd na ang lolo niyo haha!
Bata pa yun si sir. Saka napaka cooool niya as in, the way he talks and the he thinks. Astig talaga ng Filipino teachers. HOY ORANGE NAGPAPARINIG AKO.
Lastly, yung organic chem prof namin, ayun paasa. Di naman sumipot. 5:00pm na kami umalis. hahaha chem please good to me :(((( mag-aaral na ako dahili ipinasa ako ni master dalts. :((
———————————–
And, dahil dakila akong call center agent na gising na gising sa gabi, kailangan ko kumain para gsing parin sa umaga. Kung anu-ano kinain ko sa teresa. Well, sa loob palang ng kampus, kumain ako ng mga gusto kong kainin! WALA MAKAKAPIGIL SAKIN.
Habang papauwi. Nakasabay ko si Bernard Tan. Yung gagong yun. HAHA! Oy, kahit mukang gago yun, makulit at gago uli, matalino naman yun at mautak siya. Sabi nga niya sakin, gusto niya bumalik sa North Fairview pag may napatunayan na siya, yung tipong may talagang ipagpapasalamat siya. Panez.
Nang makauwi ako sa bahay. NATULOG AGAD AKO TANGINA ANG SARAP NG KAMA. ANG SARAP NG HIGAAN. ANG SARAP MATULOG.
Di na po uli magpupuyat :((
So ayun, goodluck saatin. Sana makaenroll na ako. Sana mabuhay pa ako ng matagal sa sem na ito. Hahahahahhahaa :)
Notes
carlukininammmxs liked this thestarrynightthoughts posted this