dreams and stars, both exists but far

Kagabi iniisip ko …

Kagabi iniisip ko, si first lang naman talaga ang naging crush ko sa buong highschool ko. Pero bakit nga ba nawala lahat ng sparks?

Nung nagbreak kami, alam ko, masakit yun pero di naman sobrang sakit. Namimiss ko lang siya nun pero nevertheless wala lang. Siguro dahil bata pa nga. 

pero nung October 20,2011, nang malaman kong pinapaasa lang niya ako na gusto niya makipagbalikan, first time nagdilim paningin ko, tapos nagalit rin ako sakanya for the first time. Umiyak rin ako nun. May halong galit. Ayoko kasi nang pinapaasa. Sa iba ko pa nalaman.

Tapos, lahat ng feelings, naging galit. Habang tumatagal, yung galit na yun, nawawala na rin. So nawala na lahat ng feelings. Wala na. Pero lagi naman siyang kaibigan para sakin.

Notes

  1. thestarrynightthoughts posted this

Vertigo Theme by Themelantic