dreams and stars, both exists but far

Nightmares.

Nagising ako bigla nang maisip kong nanaginip lang pala ako. Ganito yan, yung settings parehas na parehas sa bahay, sa labas ng bahay at ang mga tauhan ay parehas din, sina mama at bebe, at syempre ako.

Naglalakad ako sa labas nang maisipan kong tumingin sa muna sa langit. Hapon na. Kulay orange yung paligid. Pero may mga silhouette ng pabaliktad ng cross. Unang nasa isip ko,

“End of the world na ba?”

Pero hindi naman nagpapanic yung mga tao. Papatagal nang papatagal, padilim na rin ng padilim, nakauwi na rin ako saamin. Walang tao sa paliid, pero punong puno ng matutulis na bagay mula sa langit. Ang gaganda, parang pinahabang mga bitwin, pero sa sobrang tulis ng dulo, anytime pwede mahulog yung mga yun at makapatay.

Paparami sila ng paparami. Pumasok ako sa bahay, at nakita ko ang kapatid ko nakakumot. Ayun tinanong ko.

“Alam mo ba nangyayare sa labas?”

Takot na takot na pagkakatanong ko iyon. Tinitigan nya ako na parang walang alam. Sabi niya hindi raw. Nagets ko na kung ano nangyayare, nang biglang dumating si mama. Wala siyang imik sa lahat ng tanong ko. Pero nasure ako na unting segundo nalang, mamatay na kami. Hanggang sa nguimiti siya nang sabihin kong tumakas kami.

Nagising ako. 2:10 am. Natatakot syempre. Baka dala lang din ng stress. Pero ayoko muna huminto ang mundo. Wag muna. At ayokong umulan ng stars. Ayokong yung natitirang pag-asa ko ang siyang pumatay sakin.

Hayy. Pengeng gatas po.

Vertigo Theme by Themelantic