9-Day Tumblr Challenge: Day 5 - What is your biggest fear?

May mga light phobias ako sa ilang bagay. Such as sa heights, di ko kaya tumingin diretso pababa, ayoko rin sa mga paputok, kinakabahan kasi ako lalo na sa mga picolo ganun.
Pero kung usapin na kung ano ang pinakakinakatakutan ko. Yung iwanan at masaktan.
Lahat naman takot maiwan at masaktan, pero yun talaga kinakatakutan ko e. Yung tipo bang once na maattach ako sa isang tao, ayoko na silang mawala habang buhay.
Ewan ko, pero nagiging paranoid daw ako sa mga pagkakataong ganyan yung tipong pag alam ko na naayaw ko mawala yung tao, kaya madalas pinapaalis ko na sila para di dumating sa punto na sila ang aalis sa buhay ko.
Natatakot ako iwanan ako. Takot na takot.
Notes
sikolohistanggago liked this wullfrick liked this
thestarrynightthoughts posted this