dreams and stars, both exists but far

November thoughts.

4:22 am

Nagising ako sa di usual na oras. Sobrang aga. Naalala ko na nanaginip ako. Pero totoong panaginip yung tipong conscious ako. Nakakarinig ako ng footsteps. Akala ko si mama, si papa pala. Sa paligid nakita ko, ang dami mong moths. sabi normal raw sila sa panahon ng November. Oo nga pala November na.

November na.

Papasok nanaman ang panibagong buwan para sa lahat.Ngayon, problemado pa ako sa grado ko. Nang magising ako,yun agad una pumasok sa isip ko. ano dapat kong gawin? Bakit nangyayari ang mga to? hindi naman ako totally nagpabaya e. Pero, bakit ganito?

November na. Siya pa rin yung unang taong pumasok sa isip ko. Oo, alam ko at tanggap ko na hindi talaga kami para sa isa’t-isa at siya'y nababagay lamang para sakanya. Medyo mabagal yung proseso sakin, pero natanggap ko naman. Kahit naapektuhan talaga ako, ayoko naman ipaglaban yung hindi para sakin. Saka magbibirthday na yung gusto niya. Haha! Ano nanaman kayang surpresa ang gagawin niya? Sigurado matutuwa siya. Baka umamin na rin nang nararamdaman yun. 

November.

Sobrang ayoko masaktan alam mo ba? Eto na nga, dinelete ko facebook ko. Dapat magfocus na ako sa mas kailangan kong gawin.

Mag-aaral muna ako. Hindi muna makikipag-interact sa mga kaibigan. Hindi naman ako magpapamiss. Wala namang makakamiss. Ni hindi nga siguro ako mapapansin nun na nawawala na pala ako haha. Ni hindi nga niya alam URL ko. HAHA! 

Mas mabuti na to. Sobrang ayoko nang masaktan. Ayoko rin makadispoint. Ayoko na rin pababain pa masyado yung sarili ko.Oo alam kong baba ako sa level ko pero para yun umayos yung buhay ko.

Ano ba to?

Miss na miss na kita sobra. Pero alam kong hindi pwede. Parang noong sinabi ko sayo na hindi pwede. Alam ko namang masaya ka na. Kahit na hindi ako yung kasama mo, alam kong masaya ka na.

Gustong gusto kita yakapin ngayon. Pero ano ba magagawa ko? Wala alam ko. Kasi nga, wala kang nararmdaman, wala ka ring magagawa, wala akong masasabi.

Ano ba? Ano ba to? Nahihirapan ako. Pero alam ko, makakamove on din ako. Natanggap ko na e. Tanging yung mga alala nalang ang naiwan sakin. Pilit ko silang di inaalala, para hindi tayo maapektuhan. Yun pagkakaibigan natin. Syempre mahalaga yun.

Sa tamang panahon.

Babalik ako sa tamang panahon. Siyempre hindi ngayon. Siguro sa susunod na buwan o sa susunod pa. Hindi ko alam. Ayoko muna magpakita sa kahit sino. Pero makikipag-usap naman ako pero sa tamang panahon.

Pag di na masakit, pag maayos na ang lahat sakin, pag nakangiti na uli ako ng totoo, babalik naman ako.

Notes

  1. thestarrynightthoughts posted this

Vertigo Theme by Themelantic