Umiikot ang mundo, umuusbong ang daan, umuusad ang oras.
Siguro nga mahirap mag-move on at magpakatatag lalo na kung nasasaktan ka at ayaw mo maglet-go.
Ayoko rin sana, pero ito na sabi ng tadhana e. Saka ito rin siguro ang gusto niya. Ang magpatuloy sa hinaharap.
Tanggap ko na. Walang galit o sakit kagaya ng dati. Minsan talaga, matatanggap mo nalang. May bukas pa naman at marami pang mangyayari.
Malaki ang mundo, mahaba ang oras, maraming tao. Lahat yan ay magiging bahagi ng mga mararanasan ko pa.
Kahit masaktan ako o hindi, umiikot parin ang mundo, marami paring nangyayari at mangyayari. Umuusbong ang daan sa bawat lungkot at sayang mararamdaman ko. Umuusad parin ang oras, wala na ako magagawa kundi sumama at tanggapin ang lahat.
Notes
xxxcarla liked this thestarrynightthoughts posted this