dreams and stars, both exists but far

Sana may subject na “Attitude”, para lahat tayo mabaliw para maging mabuting nilalang

image

Kung may subject lang talaga na Attitude, nako 5.0 to. Naiintindihan ko yung sentiments nya na deserve niya yung 1.0, pero to get mad of her prof na nagbigay ng mataas na grado sakanya, knowing DOS POLICY sila at accountancy ang course niya, dapat magpasalamat nalang siya. At kung may reklamo siya, hindi kinoconfess yan sa internet. SA DEAN. Halatang pafamewhore lang tong girl na to.

Why would she ask for a grade of 1.0 kung wala naman pala siyang natutunan?

Yan tayong mga students sa Pilipinas, everyone is after the numbers, WALA na yung naghahabol sa LESSON itself, THE LEARNING. Kaya tayo nag-aral ay para matuto at hindi para magkaroon ng mataas na grade. ang mataas na grade ay repleksyon lamang sapat ng gagawin natin hindi dapat batayan o goal. Ang goal dapat natin is at the end of the semester, may natutunan tayo, may naunawaan tayo.

Kaya hindi tayo mga productive na mamayan e. Lahat tayo iniisip competitiveness, hindi natin na fofocus yung mas mahahalaga pang bagay kagaya ng ATTITUDE. Oo, hindi ka yayaman o tatalino sa attitude, pero walang tatanggap sayo na trabaho kung wala kang magandang attitude. 

Kung ako magiging prof,hindi talaga exams ang ipapagawa ko bilang midterm at finals. Magrerecite silang lahat sa harapan ko. Titignan ko kung sino nakakaunawa at hindi. At yun ang magdedetermine ng kapalaran nila.

Going back, hindi naman masama maging GC, but not to the point sisihin mo yung mga guro o prof mo dahil lang di mo nakuha yung deserve mong grade. 

image

KARMA BITCH. (Prof yung nagcomment)

image

BITCHMODE si sir! (though di ko yan prof, bio student ako)

image

Isa pang prof. Hayaan, Lagot ka ate.

image

Nagpyesta pa ang iba’t ibang professor sa Accountancy.

Notes

  1. thestarrynightthoughts posted this

Vertigo Theme by Themelantic