dreams and stars, both exists but far

Confession ko kay Batman

Hi batman! Sana mapost to. First time ko lang magsesend sayo. May napapansin ko ako lately sa mga posts. Puro nalang reklamo sa prof o kung ano mang reklamo sa grades nababasa ko.

Well, di ko sila masisisi. May mga prof talaga na hindi just, may mga grades talagang minsan hindi fair.

Pero gusto ko po sana gamitin ang pagkakataong ito para magpasalamat sa aking mga prof! Puro dos lang po nakuha ko pero pramis ang saya ko! Sympre, kung hindi nila inadjust yun edi sana may bagsakbagsak na ako. Saka hinayaan ng mga prof namin sa major na magretake ang iba ng removals just to save them from repeating. Saka kahit dos lang yun uy, may natutunan kami. Kahit di naman maperfect yung mga exams, yung gist ng mga lessons, naunawaan namin dahil yun sa mga prof namin.

Thank you po sa mga prof namin na kahit ang bibilis ng pagtuturo, may natutunan parin kami. Masasabi kong swerte ang section namin dahil ang sisipag ng prof namin sa pagtuturo. Kahit na mahirap ang mga subjects, may natutunan at natutunan kami

SULIT ANG DOSE PESOS NYO. Seryoso. Kahit na mura lang ang tuition natin, may mga prof parin na buong puso na nagtuturo, at di lang basta puso, may utak. Dahil utak ang puhunan natin.

Share ko lang din yung sinabi ng prof ko sa Chem. (Sobrang galing nun) Ang pagkabagsak naman sa kahit anong subject ay di naman nangangahulugang nabigo ka. Dapat matuto tayong harapin kung ano yung naging pagkakamali natin at magsipag tayo upang mapunan muli iyon.

Ang kolehiyo ay kalahati ng salamin ng ating kakaharapin bukas. At kung wala yung mga prof na gagabay satin patungo dun, tayo rin ang mawawalan.

Kahit sabihin nating nasa estudyante naman ang talino at pagsisikap, e kung wala naman yung mga prof natin, eh sino pa magtuturo satin? Mga libro? Mga librong isinulat rin naman ng prof mula sa iba’t ibang lugar?

Matuto tayong pasalamatan yung mga prof natin. Mga tao rin yan, kahit na sabihin nating sinuswelduhan sila, umaasa parin sila na balang araw tayo, tayong generation ang sasalba sa Pilipinas balang araw.

Di ko na isusulat college ko ha.Ayoko masabihan ng sipsip. Sapat na malaman ng PUP na malaki ang utang na loob ko sa mga prof ko. :)))

Notes

  1. thestarrynightthoughts posted this

Vertigo Theme by Themelantic